Friday, May 8, 2009

♥_ANG GALING NI BEBENG_♥


Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina nanagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahepabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya angkabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit angmukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak,“Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkaysa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay.”
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! Maysulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Angnilalaman ng liham na mula kay Bebeng:
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan saPilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. “Ang gastos ko pa lang sakanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktonghalaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…
Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karnenorte at isangdosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Anglimang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport nabackpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay.Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindinatunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sabunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Espritbag ay para kay Nene.
Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ngpokemon trading cards at stickers. “Suot ni nanay ang tatlong RalphLauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay parakay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mgaiyan sa fiesta.
Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mgadalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA capssa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy.Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa aykay Pareng Tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suotdin ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball.Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitanng mga hita ni nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid,isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh angnakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
Isang dosenang Wonder bra ( Victoria ’s Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay.Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang angkasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay.Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.
May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.
Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namataysi Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (namay nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse,ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay moang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak namalalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at sinanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate,dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.Pamimisahan ko na lang siya rito.
Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate angemail ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mgaipinadala ko.Nagmamahal,Bebeng

0 comments:

Post a Comment

Adgitize your web site.

♥_fOLLoWerSz_♥